Napapanahong balita…
Posted on March 25, 2005
Una ay ang pagpili ng petsa. Napili namin ay Disyembre 17. Nung tinanong kami ng isang kaibigan kung bakit sa petsang un, ang sagot ko ‘wala lang’. Kung ang iba ay namimili ng mga makabuluhang petsa, ako naman walang paki. Ngunit sabihin na nating may mga salik na nag-impluwensya sa petsang un. Si papa ay uuwi sa Nobyembre (isa syang seaman) at kadalasan pagkatapos ng 3-4 na buwan, sasakay na ulit sya. Kaya sakto lang ang Disyembre. Bakit naman 17? Dahil gusto ko Sabado ang kasal ko, para makapunta un mga taong gusto kong nandoon. At dahil malamang wala na ring pasok ang mga estudyante pagkatapos ng petsang un (para sa kanilang Christmas break), maganda para sa amin ni Ramil dahil isa syang titser (ako ay isang bagong titser ngayong darating na Hunyo).
Pangalawa ay ang simbahan at lugar ng reception. Gusto ko sa UP kasi UP kami pareho at marami kami magagandang karanasan doon. Naisip ko doon kaya sa amphitheater? Parang ang gandang ayusan, medyo gusto ko din kasi ng kasalan sa isang hardin. Pero syempre problema ang ulan. Kahit pa sabihin mong Disyembre un, minsan pa din biglang uulan. Ang sunod kong naisip ay sa UP Bahay ng Alumni. Aba, ok! Maganda sya kapag gabi lalo na sa pasko. Un nga lang, maluwang masyado. Dapat magaling ang mag-aayos.
Sunod naman si Aling Baby… ang lagi naming caterer kapag may mga okasyon sa pamilya. Gamay na namin ang lasa ng pagkain nya kaya ok sa amin ni Ramil nung minungkahi ni mama. Kaso may problema din, hindi sya sanay mag-ayos ng malalaking okasyon kagaya nito. E di ba, kailangan nga ng todo ayos ng Bahay? Doon pumasok ang Balay Kandila. Sobra gusto namin ni Ramil mga konsepto nila, hindi un mga kadalasan mong makikita.
Sabi ni Ronald at Tisha ng Balay, mas maganda kung may tema un kasal, para daw hindi sabog-sabog un mga disenyo. Dahil sa Disyembre nga, naisip namin na pasko na lang ang gagawin naming tema. Naaangkop sa panahon at malamang may mga decorasyon na un simbahan at ibang parte ng Bahay para sa pasko.
Itutuloy…
» Filed Under Getting Married Tags:








hey i discovered another similarity! kaya dec 17 din ang wedding date namin ni paul kasi 1) we want to have it on a saturday para makapunta mga working friends and relatives 2) dad ko who’s an OFW sa saudi will only be allowed a 2-week vacation on december. So in consideration with his wish to spend the x-mas with us, kaya ginawa namin siyang dec. 17.
hay ako din na-adik di lang sa blogs maski sa w@w!
uy! 1 week after ng birthday ko!
patay! malamang mga pambili ng mga regalo sa akin sa inyo na mapupunta… di bale, ok lang. favorite couple ko naman kayo eh, naks!
sige, bday gift nyo na lang sa akin kasal nyo. wedding gift ko na lang sa inyo ang bday ko (huh?) hehehe
exciting!!!